Marinduque March

Isla kang hiyas ng bansa
Ganda mo’y bigay ni Bathala
Mga dagat mo’t mga lupa
Sa yaman ay sagana

Ang iyong dagat , ilog at kabundukan
Ay yaman ng kalikasan
Likha ng Diyos at sa ati’y ibinigay
Ingatan ang karapatan

Halina at atin itong pagyamanin
Ang lupain ay ating bungkalin
Lakas talino ay ating gamitin
Nang umunlad ang bayan natin

Refrain:
Marinduque bayan naming minamahal
Pangako’y katahimikan
Ang sinuman sa iyo ay manahanan
Ligaya ang makakamtan

Sa puso’t isip ng iyong mamamayan
Payabungin ang iyong yaman
Nang sumagana’t lalong dumakila
O Marinduque aming mutya